Hindi inalintana ng 27-anyos na tubong Surigao Del Sur na si Orcullo ang pagkawala sa naunang 3-0 kalamangan at nagha-bol pa sa 4-5 matapos sa-mantalahin ang mga er-rors ng kalaban tungo sa 9-6 panalo.
Ang pinaglabanan ng dalawang cue-artist ay ang panglimang puwesto sa kompetisyon na siyang makakasama sa World Pool Championship na lalaruin sa bansa sa Nobyembre.
Kailangang paglaba-nan ang nasabing puwes-to dahil ang top seed na si Alex Pagulayan na uma-bante sa last four ng tor-neo, ay seeded na sa World Pool event.
"Wala akong naisip nang mawala ang 3-0 kalamangan at naunahan pa ako. Sinuwerte lang ako sa breaks. Talagang gan-yan sa nine-ball mahalaga ang break," wika ni Orcullo, ang second seed sa kom-petisyon na sariwa pa sa paglapag sa ikatlong puwesto sa IPT 8-ball event.
Nalaglag si Orcullo sa losers bracket nang matalo kay Gandy Valle bago tuluyang napatalsik sa unang apat na puwesto matapos silatin ng giant killer na si Jeffrey de Luna. (LMConstantino)