Dumiretso sa kanilang seven-game winning streak ang Red Lions matapos igupo ang five-time champios San Sebastian Stags, 77-60, at pumitas ng playoff berth para sa Final Four ng 82nd NCAA mens basketball tournament kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.
Patuloy pa rin sa pamumuno ang San Beda sa second round mula sa hawak na 8-1 rekord kasunod ang nagdedepensang Letran (7-1), PCU (6-2), Mapua (5-4), San Sebastian (3-6), UPHD (2-6), Jose Rizal (2-7) at St. Benilde (1-8).
"Minutes before the game sinabi ng ManCom na hin-di puwedeng mag-laro si Ogie (Menor) dahil sa elbowing foul nito kay (Mark) Pradas sa game namin against Jose Rizal last Friday," ani coach Koy Banal.
Kaagad na kinuha ng Red Lions ang 36-18 abante sa first period patu-ngo sa kanilang 43-22 lamang sa 5:46 ng third quarter buhat sa basket ni 68 Nigerian Samuel Ekwe, tumapos nang may 7 puntos, 12 rebounds, 3 blocks at 1 steal.
Sa ikalawang laro, tu-mipa naman sina James Sena at John Wilson ng pinagsamang 31 puntos para igiya ang Heavy Bombers sa 73-69 panalo kontra sa Cardinals.
Sa juniors class, tinalo naman ng Red Cubs (7-1) ang nagdedepensang Staglets (5-2) mula sa kanilang 64-59 tagumpay sa likod ng 23 marka, 17 rebounds at 4 blocks ni David Marcelo.(Russell Cadayona)