^

PSN Palaro

Desisyon sa 7-man three-way trade malalaman

-
Nadinig na ng mga miyembro ng Board of Governors ang paliwanag ng Air21 at ng sister teams Barangay Ginebra at Coca-Cola ukol sa kontrobersiyal na trade na kinasangkutan ng pitong players.

At sa araw na ito, ihahayag ng PBA ang kanilang desisyon kung tatanggapin o hindi ang naturang trade na lumikha ng malaking isyu dahil ang Ginebra lamang ang nakinabang ng husto sa naturang trade kung saan nakuha nila sina Billy Mamaril at Rafi Reavis mula sa Coca-Cola.

Pinaghinalaan ng ibang member teams ng PBA na ginamit lamang ang Air21 bilang middle-man ng sister teams na Coke at Gin Kings ngunit mariin itong itinanggi ng Express.

Ayon sa team ma-nager ng Express na si Lito Alvarez, nakuha nila ang kanilang kailangan. Ang back-up ni Wynne Arboleda sa katauhan ni Aries Dimaunahan at- isang pamalit na big man sa katauhan naman ni Ervin Sotto.

Itinanggi rin ng Air21 na ipamimigay nila ang kanilang No. 2 draft pick sa PBA Annual Draft na nakatakda sa Agosto 20 sa Market Market sa Taguig.

May lumabas na bali-tang ipapasa ng Air21 ang kanilang No. 2 pick sa Ginebra.

Sa Air21 din ang No. 4 pick ngunit sinabi ni Alvarez na gagamitin nila itong trade bait sa mga koponang interesado.

May balitang gaga-mitin ng Air21 ang kani-lang No. 2 pick para sa Fil-Am na si Kelly Williams na nabigyan na ng go-signal na lumahok sa draft sinabi ni Alvarez na kailangan nila ng shooter sa team.

Ipinaliwanag din ni Alvarez na inalok sa kanila ng Ginebra sina Romel Adducul, Andy Seigle at Sunday Salvacion ngunit hindi nila ito tinanggap.

Ayon kay Alvarez, hindi nila kailangan si Adducul dahil naririyan sina Yancy at Ranidel De Ocampo bukod pa kina Mark Telan at Homer Se.

Sina Seigle at Salva-cion naman ay kailangan pang makarekober mula sa kani-kanilang injuries.

ALVAREZ

ANDY SEIGLE

ARIES DIMAUNAHAN

AYON

BARANGAY GINEBRA

BILLY MAMARIL

BOARD OF GOVERNORS

COCA-COLA

ERVIN SOTTO

GINEBRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with