Cebu dancesports humakot ng 11 golds sa US

Sa kauna-unahan nilang pagtahak sa dancesport competition sa Estados Unidos, nanggulat ang Dancesport Team Cebu City (DTCC) nang magwagi ito ng 11 gold medal sa 38th International Grand Ball Championships na ginanap sa Marriott Hotel sa San Franciso, California noong nakaraang weekend.

Sinimulan ng mga Cebuano dancer ang pananalasa sa pagkuha ng ginto sa tatlong kategorya: Amateur Standard 3 Dance, na nakuha nina Jojie at Jonah del Rosario, at dalawang team award para sa Latin Formation at Standad Formation.

Tinalo rin ng DTCC ang mga kalaban mula sa US, South America, Puerto Rico at Russia sa mga sumusunod na patimpalak: Open Gold Tango, Open Gold Waltz Adult at Open Adult Pre-Novice Latin (Joji at Jonah del Rosario); Open Adult Pre-Champ Latin (Jimmy Noel at Karla Fornolles); Open Silver Waltz, Open Silver Quickstep at Open Silver Foxtrot (Renante Saldua at Ricca Gatal Alix); at Open Gold Tango Adult 2 at Open Gold Foxtro Adult 2 (Loloi Rendon at Eleanor Hayco).

Ang koponan ay magsasagawa ng mga pampublikong pagtatanghal sa Dance Village sa Los Angeles sa August 4, at isa pang show sa August 5 sa Las Vegas, sa tulong ng mga Filipino-American organizers. Tutungo sila sa Empire State Dancesport Championship sa Manhattan, New York mula August 10 hanggang 14, at babalik sa West Coast para sa Nevada Star Ball Dancesport Championship mula August 17 hanggang 20. (Bill Velasco)

Show comments