Pinangunahan nina Efren Bata Reyes at Francisco Django Bustamante, ang mga umusad na Pinoy sa pagtatala ng 4-1 panalo-talo para makasulong sa susunod na round.
Nagtala rin ang parehong iskor sina Marlon Manalo, Dennis Orcollo, Rodolfo Luat at Ronato Alacano para makasama sa last 60 players na sumiguro sa kanila ng $10,000 na premyo.
Nakalusot naman sina dating world champion Alex Pagulayan at Antonio sa pamamagitan ng kanilang 3-2, panalo.
Sa kabuuan, walong Pinoy ang umusad sa susunod na round matapos masibak sa kontensiyon si Gandy Valle na nanalo lamang ng dalawa sa kanyang limang matches.
Tinalo ni Reyes si Bustamante sa Group 45 (8-6), gayundin sina Americans Philip Harrison, 8-2, Jonathan Marcias, 8-2 at Adrea Klasovic, 8-4. At ang tangi niyang talo sy kay Dee Adkins, 7-8.
Tinalo naman ni Bustamante si Adkins, 8-0 gayundin kina Harrison 8-1, Marcias, 8-5 at Klasovic, 8-7.
Nagtala naman ng malaking upset si Manalo, nanguna sa 2005 Texas Hold Em Billiards sa kanyang panalo laban kay defending champion Mike Sigel ng U.S., 8-5.
Nanaig din ito kina Loree Jon Jones, 8-1, Marko Lohtander, 8-4, at Wayne Catledge ngunit natalo ito kina Quinten Hann ng Australia, 4-8.
Matapos matalo kina Sam Monday, 0-8 at Nick Varner, nakabawi si Pagulayan matapos ang panalo kina Keith Bennett, 8-5, Chris Orme, 8-1 at Scott Frost, 8-5 para makalusot sa Group 45.
Tinalo naman ni Alcano si Orcollo, 8-7, George San Souci, 8-2, John Wims at Valle 8-6. Pinangunahan naman ni Luat ang Group 53 matapos talunin sina Lining (8-6), Michael Zimmerman, 8-3, Howard Vickery at Brian Groce, 8-6.
Natalo naman si Lining kina Luat at Putnam 7-8 ngunit nanalo kina Vickery 8-1, Zimmerman, 8-3, at Groce, 8-4.
Ang mga prominenteng pumasok sa Last 60 at sina Varner, sa Group 42, Johnny Archer, Rodney Morris, Germans Thorsten Hohmann at Ralf Souquet, Dutch Niels Feijen, 2002 World champion Mika Immonen, Hall of Famer Earl The Pearl Strickland, at Marcus Chamat.