Salamat sa lahat ng friends ko!

Umaapaw sa kaligayahan ang naramdaman ni ‘Papa’ Jun Limpot ng gabing mapagwagian ng Purefoods Chunkee Giants ang titulo sa Gran Matador-PBA Philippine Cup laban sa Red Bull via 4-2 sa serye.

Higit din ang kaligayahan ng kanyang magandang asawang si Ianne Escudero-Limpot.

At last, may maipagmamalaki na si Papa Jun na championship bago pa man ito magretiro.

Pero hindi pa naman siguro ngayon, di ba Papa Jun?
* * *
Isa pang maligayang-maligaya ay si Mark Pingris. Maganda ang naging paglipat ni Mark sa Purefoods dahil naipakita niya ang kanyang kakayahan na hindi niya naipakita noong nasa Air21 pa siya.

Balitang malapit na daw magpakasal si Mark sa kanyang magandang girlfriend na si Danica Sotto. Pero tila hindi pa yata makatiyempo si Mark para hingin ang kamay ng dalaga sa kanyang amang si Vic Sotto.

Bagay naman sila di ba?
* * *
At siyempre hindi pahuhuli sa kaligayahan si James Yap. Double victory ito para kay James dahil nakuha din niya ang pinakaaasam ng lahat ng PBA cager na MVP title.

Congrats uli James!
* * *
Kina Mark at Papa Jun at siyempre sa guwapong coach na si Ryan Gregorio, at ang guwapong at mabait na team manager na si Alvin Patrimonio at assistant coach Ronnie Magsanoc, congrats!
* * *
Touch na touch ako at halos maiyak sa tuwa dahil ngayon ko napatunayang marami pala talaga akong mga kaibigang nagmamahal sa akin. Touch ako sa paghahatid ng kanilang support at prayers para sa aking full recovery nang malaman nilang sasailalim ako sa Linear Radiation Theraphy dahil sa adenoid cyst na nakuha sa akin. Magsisimula ang aking theraphy (na aabot sa 36 sessions) sa Huwebes .

Dito ko napatunayang, na binigyan ako ng extension ni Lord na tumagal pa sa mundo hindi lamang para sa aking pamilya kundi para na rin sa mga nagmamahal kong kaibigan.

Hindi ko na iisa-isahin sila, dahil I’ll be needing more space and days para ilagay ang lahat ng names ng mga friends na nagmamahal, tumutulong at nag-darasal sa aking paggaling.

Alam na ninyo kung sinu-sino kayo kaya maraming-maraming salamat sa inyong lahat!

I still need your prayers!

Show comments