Nasustina ni top seed Pimentel ang kanyang pananalasa sa unang apat na rounds nang magwagi ito sa sumunod na dalalwa kina Jayson Visa at Alfonso Datu bago nakipag-draw kay Morazo hawak ang itim na piyesa at magtapos na may 6.5 puntos para pagharian ang event sa 20-yrs and under.
Sa kabilang dako, malakas na bumangon si Lagula matapos ang draw sa ikaapat na round at walisin ang huling tatlong rounds kabilang ang final round win kontra kay Tumaneng at daigin si Mark Aquino at Michael Tabao sa tiebreak para naman isukbit ang korona sa 14-and-under.
Iginawad ni Roberto Kanapi, general manager for external affairs ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., city administrator Miguel Lim at Ryan Bahia, Pilipinas Shell retail territory manager, Cagayan Province, ang mga tropeo at premyo sa mga nagwagi. Ang iba pang awardees ay sina Crizelle Geron ng Cagayan National High School, top female player sa kiddies division at Philip Bryan Geron ng Tuguegarao Day Care Center, ang pinakabatang player sa edad na 4 na taong gulang.
Binigyan din ng parangal ang Tuguegarao West Elem. School (kiddies-77 players) at Cagayan National High (juniors-nine players) dahil sa dami ng bilang ng partisipante sa dalawang araw na torneong hatid din ng Shell Better Mileage Gasolines: Super Premium, Super Unleaded, Velocity, Shell Diesoline Ultra, Shellane, McDonalds at Cebu Pacific.
Samantala, ang fourth leg ng eight-stage nationwide circuit ay magbabalik sa Aug. 5-6 para sa Southern Luzon swing sa SM Batangas.