^

PSN Palaro

Lilipad ang Falcons

FREE THROWS - AC Zaldivar -
May kalalagyan ang Adamson Falcons sa 69th season ng University Athletic Association of the Philippines!

Oo at natalo ang Falcons sa Ateneo Blue Eagles, 73-72 noong Huwebes, pero kitang-kita ang potential ng team na ito na hahawakan ni coach Leo Austria sa loob lang ng isang season. Malaking improvement kaagad ang nakita sa laro nila pagkatapos na matalo sa host University of the East Warriors, 72-57 noong opening day.

Sa tingin nga ng iba, parang namalahibo lang ang Falcons kontra sa Warriors, e. Kasi nga, dikit pa ang laban sa first half pero sa second half na tuluyang nakalayo ang tropa ni coach Dindo Pumaren.

Katunayan, pagkatapos ng larong iyon ay pinanood ni Austria ang second game sa pagitan ng Ateneo at National University Bulldogs kung saan nagwagi ang Blue Eagles, 75-70. Aniya ay kung isa sa dalawang teams na iyon ang nakaharap niya sa opening day at hindi ang UE Warriors, baka nanalo pa ang Falcons!

Kaya naman napaghandaan niya nang husto ang dalawang koponang nabanggit. Tinambakan nga ng Falcons ang NU Bulldogs, 88-64 sa kanilang sumunod na game. At laban sa Ateneo ay nakalamang pa sila ng walong puntos sa dulo ng third quarter.

Muntik pa nga silang magwagi kundi dahil lang sa three-pointer ni Chris Tiu sa huling 20 seconds. At sa kanilang huling play ay nadukutan ng bola ang sentrong si Ken Bono na nagselyo sa kanilang pagkabigo!

Sa tutoo lang, magaling talagang mag-scout ng kalaban si Austria at magaling siyang maghanda para sa susunod niyang laban. Beterano na kasi siya. Galing na siya sa PBA kung saan hinawakan niya ang Shell Turbo Chargers na nag-disband noong nakaraang taon.

At sa pagbubukas ng bagong season ng PBA sa Otktubre ay magbabalik si Austria na hahawak ng bagong team na Welcoat Paints. Kaya naman isang tournament lang ang commitment ni Austria sa Falcons at nais niya na makapag-iwan ng magandang alaala sa pamamagitan ng paghahatid sa kanyang koponan sa Final Four o kaya’y sa championship.

Matagal-tagal na rin namang hindi nakakatikim ng championship ang Falcons sa UAAP. Halos tatlong dekada na yata. At ang pinakamalakas na koponang na-assemble nila mula noon ay ‘yung kinabibilangan nina Marlou Aquino, Kenneth Duremdes, EJ Feihl at Erwin Luna. Hindi rin nag-kampeon ang team na iyon.

Ngayon ay hindi ganoon kalakas ang Adamson pero alam ni Austria kung paanong gamitin ang kanyang mga players at mabigyan ng magandang motivation ang mga ito.

Masakit na pagkatalo ang sinapit nila sa Ateneo pero malamang na marami silang natutuhan doon. At kahit paano’y tumaas ang kumpiyansa nila.

Kasi nga, kung ang isang pre-tournament favorite na tulad ng Ateneo ay muntik na nilang masilat, ano pa ang ibang teams?

ADAMSON FALCONS

ATENEO

ATENEO BLUE EAGLES

BLUE EAGLES

CHRIS TIU

DINDO PUMAREN

ERWIN LUNA

FALCONS

FINAL FOUR

KASI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with