Sinabi ni POC president Jose Peping Cojuangco na inaasahan ng Olympic body na matatanggap na nila ang kumpletong listahan ng mga atleta sa POC Executive Committee meeting sa susunod na linggo.
"Each National Sports Association (NSA) has now been conducting its respective training for the Asian Games and mostly likely, on July 19 during our Executive Committee meeting, we will be able to finalize the list of the athletes bound for Doha," ani Cojuangco sa Sports Communicators Organization of the Philippines (SCOOP) session kahapon sa Kamayan Restaurant sa Padre Faura, Manila.
Sinabi ni POC chairman Robert Aventajado, na dumalo rin sa weekly sports session na sponsored ng Accel, na inatasan na niya ang mga NSAs na isumite na ang final list ng mga qualified athletes sa Asiad Task Force.
"This is to expedite the process of identifying the names of the qualified athletes during the executive board meeting," paliwanag ni Aventajado.
Ang Asiad Task Force na pinamumunuan ni athletics president- Go Teng Kok ay may 119 qualified athletes.