^

PSN Palaro

May pinatunayan si Seigle

-
Hindi man nakarating sa finals ang San Miguel Beer, hindi maisasantabi ang pagsisikap ni Danny Seigle kaya naman tinanghal itong Best Player of the Conference ng Gran Matador Brandy-PBA Philippine Cup.

Ang 30-gulang na 1999 Rookie of the Year ang ikatlong player na tumanggap ng naturang award na hindi nakarating sa finals matapos talunin ang Most Valuable Player candidates’ na sina James Yap at Enrico Villanueva kasama sina Marc Pingris, Nic Belasco at Dorian Peña na nagpasiklab din sa kumperensiyang ito.

Lumikom si Seigle ng 2,532 points, 1,216 mula sa media votes, 480 mula sa players votes at 400 mula sa four-man committee na kinabibilangan ng mga kinatawan ng Philippine Sportswriters Association, Sports Communicators Organization of the Philippines, ABC-5 at ng PBA Press Photographers, at 436 sa statistics.

Si Yap ay may 1,629, kasunod si Villanueva, 724; Pingris, 654; Belasco, 621 at Peña 400.

Si Seigle ay tinaguriang the ‘Dynamite’ dahil sa kanyang lakas sa opensiba na siyang susi para makarating sa semis ang San Miguel bago yumukod sa Red Bull sa best-of-seven series, 3-4.

Si Seigle ay nag-average ng 21-puntos sa kanyang huling 19 games at nagtapos na may 24.7 points per game sa 23 matches.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Purefoods Chunkee at ang Red Bull sa Game-Three ng kanilang best-of-seven championship series para sa titulo ng ikalawa at huling kumperensiyang ito.

Taglay ng Giants ang 2-0 kalamangan sa serye. (Carmela V. Ochoa)

BEST PLAYER OF THE CONFERENCE

CARMELA V

DANNY SEIGLE

DORIAN PE

ENRICO VILLANUEVA

GRAN MATADOR BRANDY

JAMES YAP

MARC PINGRIS

RED BULL

SI SEIGLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with