^

PSN Palaro

Adidas Streetball Challenge

GAME NA! - Bill Velasco -
DAVAO CITY — Sinimulan kahapon dito ang ika-11 adidas Streetball Challenge, na patungo sa isa pang national championship na gaganapin sa SM Mall of Asia. Ang mga magtatagumpay doon ay dadalhin sa Guangzhou, China, para sa kahuli-hulihang adidas Asian Streetball Challenge, kung saan defending champion sa boys division ang Pilipinas.

Ito na ang pinakamatagal na three-on-three basketball tournament sa Pilipinas. Sa katunayan, sa ika-sampung edisyon noong 2005, pinarangalan ang limang "All-Time Starting Five" ng adidas.

Ito ay sina Enrico Villanueva ng Red Bull, Wesley Gonzales ng San Miguel Beer, PJ Simon ng Purefoods,JR Quiñahan ng Granny Goose, at BJ Manalo ng Athletes in Action. Bawat isa sa kanila ay lumahok sa adidas Streetball Challenge sa huling labing-isang taon.

Samantala, nag-iba na rin sa wakas ang direksyon ng basketbol. Ngayon, ang hinahanap ay limahan, at fullcourt, di tulad noong araw, na ang larong kalye ay tatluhan lang talaga.

Nang magsimula ang adidas Streetball Challenge, may mga ibang sumunod, may ibang gumaya, pero hindi rin nagtagal. Nasuyod na ng torneo ang buong Pilipinas, mula Baguio hanggang Metro Manila, Pampanga, Cebu, Davao, Iloilo, Bacolod at marami pang ibang lugar sa bansa. At lalong umiinit ang hilig ng mga kabataan sa simpleng bersyon ng basketbol.

Sa huling labing-isang taon, tatlong beses nang nagkampeon ang Pilipinas sa Asya.

Una, namayani ang University of Santo Tomas sa girls division noong 2000, at tinuloy ang pananalasa sa China. Sinundan ito ng University of the Visayas Green Lancers noong 2002, at tinalo rin ang mga Tsino sa sarili nilang lupa. Noong nakaraang taon, nagtagpo ang San Beda College at West Negros College sa Asian Streetball Finals na ginanap sa Araneta Coliseum, at ang Red Lions ang nagwagi.

Ngayon naman, iba ang hilig ng mga bata. Limahan na. May mga nagsimula ng liga para sa koponan na binubuo ng anim na player (isang substitute), at ang mga laro ay tumatagal lamang ng sampung minuto.

Ang nangyayari, paramihan ng laro, at patibayan ng resistensya. Ganoon pa rin naman ang hilig natin sa basketbol, hinahanapan lang natin ng panibagong pamamaraan, at siguro dumarami ang mga naglalaro sa mga kalye. Ano na kaya ang susunod?
* * *
Abangan ang programang The Basketball Show sa RPN 9, ganap na alas- dos ng hapon.

ALL-TIME STARTING FIVE

ARANETA COLISEUM

ASIAN STREETBALL CHALLENGE

ASIAN STREETBALL FINALS

BASKETBALL SHOW

ENRICO VILLANUEVA

PILIPINAS

STREETBALL CHALLENGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with