Perpetual asam ang solo liderato

Puntirya ng University of Perpetual Help Dalta ang solong pamumuno habang sisikapin naman ng Philippine Christian University at San Sebas-tian College-Recoletos na sundan ang kani-kanilang tagumpay sa 82nd NCAA men’s basketball tourna-ment na magpapatuloy ngayon sa Ninoy Aquino Stadium.

Alas-2:00 ng hapon nakatakda ang sagupaan ng Perpetual at ng St. Benilde pagkatapos ng sagupaan ng kanilang junior counterparts sa alas-12:00 ng tanghali.

Hangad ng host na CSB Blazers na makaba-ngon mula sa kanilang kabiguan noong opening day.

Sa ikalawang seniors game sa alas-4:00 ng hapon ang sagupaan ng PCU Dolphins at ng San Sebastian na susundan ng engkwentro ng kani-lang junior counterparts sa alas-6:00 ng gabi.

Nakataya ang ikala-wang sunod na panalo sa duelo ng defending juniors champion SSC-R at ng DLSU-CSB sa juniors division. (Carmela V. Ochoa)

Show comments