^

PSN Palaro

Milgar nilundag ang ikalawang gintong medalya

-
PALAYAN CITY — Kinailangan ni SEA Games veteran Mary Grace Mil-gar na lundagin ang finish line sa women’s 400m dash upang masiguro ang kanyang ikalawang gintong medalya sa 2006 Milo National Open-Invitational Athletics Championships sa Nueva Ecija Sports Complex dito.

Walang pakialam ang 25-anyos na si Milgar kung masugatan man ito nang mag-ala Darna sa huling metro para ungusan ang karibal mula sa Thailand na si Treewadee Yongphan.

Matapos ang masusing pag-aaral gamit ang video footage at photo finish, itinanghal na kampeon si Milgar taglay ang 56.76 segundo habang si Yongphan ay nagkasya sa silver taglay ang 56.78 segundo at bronze naman sa isa pang Thai Waetao Khang Chan na may 57.16 seconds.

Ayon kay national head coach Jojo Posadas, malaking kawalan si Milgar sa pambansang koponan nang magpasya ang huli na magpahinga muna upang paghilumin ang injury sa kaliwang paa at pagtuunan ang personal na bagay.

Kapwa may tigalawang ginto na sina Milgar at Mercedita Manipol sa women’s category. Nagreyna si Manipol sa 5,000M run at 3,000M run.

Sa iba pang resulta, naka-double gold rin si Jelyn Rojas ng South Cotabato nang pangunahan ang girls’ javelin throw hawak ang 39.74M marka at sa girls’ shot sa kaniyang 9.81 naitala.

JELYN ROJAS

JOJO POSADAS

MARY GRACE MIL

MERCEDITA MANIPOL

MILGAR

MILO NATIONAL OPEN-INVITATIONAL ATHLETICS CHAMPIONSHIPS

NUEVA ECIJA SPORTS COMPLEX

SOUTH COTABATO

THAI WAETAO KHANG CHAN

TREEWADEE YONGPHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with