Adamson sumeguro
June 22, 2006 | 12:00am
Bumangon ang Adamson mula sa isang set na pagkakadapa upang walisin ang sumunod na tatlong set at itakas ang 20-25, 27-25, 25-23, 25-23 panalo laban sa San Sebastian College kahapon upang iseguro ang playoff para sa ikalawa at huling finals slot sa V-League na ipiniprisinta ng Shakeys sa Blue Eagle Gym.
Ang panalo ay ika-siyam ng Adamson matapos ang 13 games na nagpatatag sa kanilang kapit sa ikalawang puwesto sa likod ng finalist ng De La Salle, habang nalasap naman ng Lady Stags ang kanilang ika-anim na kabiguan matapos ang walong panalo.
Gaya ng dati, trinangkuhan ni Cherry Macatangay ang depensa ng Lady Falcons kasabay ng pagpapakawala ng 28 kills na nagbigay sa kanya ng 34 points performance upang ihatid ang Adamson sa krusiyal na panalo.
Bunga nito, kailangan ng San Sebastian na maipanalo ang kanilang huling asignatura sa semis laban sa Far Eastern U upang makatugon sa 5-of-8 incentive rules na magbibigay sa kanila ng play-off sa Sabado at ipuwersa ang sudden-death playoff nila ng Adamson.
Nauna rito, sinamantala ng Lyceum ang pagkawala ng Thai import na si Jindarat Kanchana upang iposte ang 25-18, 21-25, 18-25, 25-17, 18-16 panalo laban sa De La Salle.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended