Napanatili ni Bobby, na kasamang dumating ang kanyang manager na si Rex Wakee Salud, ang kanyang championship belt makaraang pabagsakin si dating WBC champion Kevin Flushing Flash Kelley sa ikaapat na round sa Madison Square Garden sa New York noong June 10.
Bagamat hindi kasing garbo ang pagsalubong kay Bobby kumpara sa ibinigay na papuri sa kanyang kapatid na si Manny nang dumating ito sa bansa matapos talunin si Eric Morales, buong pagmamalaki naman nitong iwinagayway ang kanyang champion-ship belt, simbolo ng kanyang pagiging kampeon, sa mangilan-ngilang tagahanga na nasa loob at labas ng arrival area.
Ang panalo ni Bobby ay nagsilbing daan para hira-ngin itong kampeon sa World Boxing Council junior lightweight division.
"Idolo ko ang aking Kuya (Manny). Mas maganda siguro kung siya na lang ang magiging manager o trainer ko pagdating ng araw. Magkaiba kami ng istilo sa boxing kaya hindi natin masasabi kung sino ang mas magaling sa aming dalawa," sagot ni Bobby sa tanong kung sino ang mas magaling sa kanila ng kanyang kapatid.
Sa kasalukuyan, si Bobby ay may hawak na barahang 27 wins, 11 losses at 3 draws sa 12 knockout wins. (Butch Quejada)