^

PSN Palaro

Maging exciting sana ang NBA Games sa Miami

SPORTS - Dina Marie Villena -
Napakawalang-kuwentang panoorin ang Game 2 ng NBA Finals sa pagitan ng Dallas Mavericks at Miami Heat. Ika nga walang intensity dahil tambakan ang nasabing game.

Nakakatamad tuloy panoorin. Walang kalatoy-latoy ika nga ng ilang tagasubaybay. Bibiyahe na ang dalawang koponan patungo naman sa Game 3, 4 at 5 sa Miami bago bumalik ng Dallas para naman sa Game 6 at 7.

Sana naman pagdating sa Miami maging maganda naman ang laban ng dalawa. Ang aga ko pa namang magbukas ng telebisyon para panoorin ito, kaya sana hindi masayang ang araw ko.

Expected kasi na talagang magpapatayan ang dalawang team na ito dahil kapwa mga bago sila sa NBA Finals. Tulad noong Game 1 na maganda talaga ang nilaro nila.
* * *
Kung parehong neophyte ang mga naglalaban sa NBA Finals--ang Miami at Dallas, mga baguhan din ang naghahatawan sa PBL Unity Cup Finals-- ang Harbour Centre at Toyota Otis-Letran. Pukpukan at patayan talaga ang game ng dalawang team na ito, kaya naman enjoy ang mga tagasubaybay ng PBL sa kanilang pinanonood.

Tabla sa 1-1 ang best-of-five titular showdown ng dalawa kaya tiyak na magpapakitang-gilas na magiging kapana-panabik ang Game Three.

May the best team wins! Goodluck kina Toyota coach Louie Alas at Harbour Centre coach Jorge Gallent.
* * *
Sa PBA naman, kapwa exciting din ang nagaganap na quarterfinals. Matapos makalamang ang Alaska sa Coca-Cola Tigers sa 2-0, pinigil ng Tigers ang Aces sa kanilang ambisyong makarating agad sa semis at ilagay ang kanilang series sa 2-1. Sa kabilang dako naman, nagtabla ang Red Bull at Barangay Ginebra sa 1-1 bago umabante ang Gin Kings sa 2-1 makaraan ang dalawang sunod na panalo.

O di ba exciting?

Ang Purefoods at San Miguel ay kapwa waiting at hinihintay ang winners ng quarterfinals. Pagnagkataon...malamang na maging All-SMC semis ang masasaksihan gayundin din ang Finals.

Papayag ba ang Red Bull at Alaska?
* * *
Belated happy birthday to my good friend Mayette Delgado Gonzales, last June 12 (blowout naman!!!) Gayundin kay Boss Danding Cojuangco noong June 10. Advance happy birthday naman kina Allan Caidic at Bong Alvarez (June 15). By the way book launching din ng ‘My Life, Allan Caidic, The Triggerman’ sa mismong araw ng kaarawan ng tinaguriang "Top Gun" ng PBA na si Caidic.

ALLAN CAIDIC

ANG PUREFOODS

BARANGAY GINEBRA

BONG ALVAREZ

BOSS DANDING COJUANGCO

COCA-COLA TIGERS

HARBOUR CENTRE

NAMAN

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with