Nasa bingit na ng kabiguan ang Alaska matapos iwanan ng Tigers sa 94-92 matapos ang triple at split ni Johnny Abarrientos papasok sa 18.1 segundo ng labanan.
Umiskot si Miller ng long jumper at nagkaroon ng tsansa ang Alaska nang magmintis si Abarrientos sa kanyang dalawang freethrows mula sa foul ni Mike Cortes, 8.7 segundo pa ang oras sa laro.
Si Belasco ang naka-rebound bago niya ito ibinigay kay Willie Miller na nagipit pagtawid sa kanilang court sa double defense na tinanggap nito at mabilis niyang ipinasa ang bola kay Belasco na nagpakawala ng winning basket para sa final sore.
Tumapos ng 20-puntos si Belasco, 10 puntos nito sa ikaapat na quarter at may 20-puntos din si Willie Miller, 11 nito sa final canto at sumuporta naman si Mike Cortez ng 18-points para sa Aces na kumuha ng 1-0 bentahe sa kanilang best-of-five quarterfinal series kung saan ang winning team ay sasagupa sa best-of-seven semifinal series laban sa Purefoods.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang defending champion Barangay Ginebra at ang Red Bull sa Game-One ng kanilang sariling quarterfinal series.