^

PSN Palaro

Beermen, ginulat ng Air21

-
Nakasilip ng pag-asa ang Air21 na makakuha ng awtomatikong quarter-final slot matapos ang 110-98 pananalasa sa San Miguel Beer sa papatapos nang classifi-cation phase ng Gran Matador Brandy PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum kagabi.

Humataw ang Air21 sa ikaapat na quarter sa pangunguna ni Yancy De Ocampo na nagbida sa malaking run sa bungad ng naturang yugto upang ihatid ang Express sa ikatlong sunod na panalo at ikapito sa kabuuang16-laro.

Gayunpamnan, wala sa kanilang kamay ang kanilang magiging kapala-ran.

Makakahirit ang Air21 ng playoff para sa ikatlo at huling awtomatikong quarterfinals berth kung hindi makakaabot ng wa-long panalo ang defend-ing champion Barangay Ginebra na may 6-8 karta at ang Coca-Cola na may 7-8 record.

Bagamat naglaho ang 10-puntos na kalamangan ng Express, 63-53 sa ikat-long quarter nang maka-lapit ang Beermen sa 83-81 papasok sa final canto, gumana ang maiinit na kamay ni Yancy De Ocampo na umiskor ng 10 sa kanyang tinapos na 17-puntos sa 18-2 run upang umagwat ang Express sa 99-87 papa-sok sa huling 6:20 minuto ng labanan.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang defending champion Barangay Ginebra na nais maka-iwas sa wild card phase at ang Alaska Aces na pun-tirya ang awtomatikong quarterfinal slot. (CVO)

ALASKA ACES

ARANETA COLISEUM

BAGAMAT

BARANGAY GINEBRA

BEERMEN

COCA-COLA

GRAN MATADOR BRANDY

PHILIPPINE CUP

SAN MIGUEL BEER

YANCY DE OCAMPO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with