^

PSN Palaro

Tejada inspirasyon ng Purefoods Chunkee Giants

-
Habang nagpapagaling si Fil-Am Eugene Tejada mula sa kanyang operasyon sa spinal column, patuloy na magkaka-bit ng No. 33 sa kanilang uni-porme ang mga Chunkee Giants. 

Sinimulan ng Purefoods ang pag-aalay ng kanilang mga panalo sa 25-anyos na small forward matapos payu-kurin ang Talk ‘N Text, 72-69, noong Miyerkules para ang-kinin ang ikalawang out-right semifinals ticket sa Gran Matador Brandy PBA Philip-pine Cup. 

"It’s a big win for us and what Eugene left behind is the legacy of a fighting heart," sabi ni mentor Ryan Gregorio sa 15th overall pick ng 2003 PBA Draft. "We were inspired by one person and that was Eugene." 

Inspirado dahil kay Tejada, sumasailalim ngayon sa the-raphy sa Makati Medical Center matapos ang halos limang oras na operasyon noong Huwebes, haharapin ng Chunkee Giants ang Sta. Lucia Realtors ngayong alas-4:10 ng hapon bago ang salpukan ng Red Bull at Coca-Cola Tigers sa alas-6:35 ng gabi sa PhilSports Arena sa Pasig City. 

Magkasalo sa liderato ang Purefoods at San Miguel, kapwa kinuha ang dalawang outright semifinals berth, sa likod ng kanilang 11-4 baraha sa itaas ng Red Bull (8-6), Alaska (8-7) at Coke (7-7). 

Sa pangalawang laro, ipo-pormalisa naman ng Red Bull ang kanilang pagsikwat sa isa sa tatlong outright quar-terfinals spot kontra sa Coke.  Ipinoste ng Bulls ang kanilang pang limang sunod na ta-gumpay mula sa 92-75 pag-giba sa Chunkee Giants noong Linggo na nagtampok sa aksi-dente kay Tejada, samanta-lang napigil naman ng Tigers ang kanilang five-game losing skid buhat sa isang 99-88 pagwawagi sa Gin Kings. 

Kasalukuyan pang nagla-laro ang Ginebra, may 6-7 re-kord, at Air21, nagdadala ng 5-9 marka, sa Cebu City habang isinusulat ito. (RC)

vuukle comment

CEBU CITY

CHUNKEE GIANTS

COCA-COLA TIGERS

FIL-AM EUGENE TEJADA

GIN KINGS

GRAN MATADOR BRANDY

LUCIA REALTORS

MAKATI MEDICAL CENTER

N TEXT

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with