Beda, JRU seselyuhan NCAA Finale
MANILA, Philippines — Pareho ang nasa kukote ng San Beda University at Jose Rizal University, ito’y ang pauwiin ng maaga ang kanilang katunggali sa Game 2 ng NCAA Season 102 men’s basketball tournament best-of-three semifinals na gaganapin ngayong araw sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Makakatapat ng defending champions Red Lions ang Emilio Aguinaldo College Generals sa alas-5 ng hapon habang kalaban ng Heavy Bombers ang Letran Knights sa alas-3 ng hapon.
Namuro sa pag-usad sa Finals ang SBU at JRU nang manalo sila sa Game 1 noong Nobyembre 3, (Lunes).
Napahirapan ang Mendiola-based squad bago talunin ang EAC dahil dalawang puntos lang nagkatalo, 85-83.
Tulad ng Red Lions, dumaan din sa butas ng karayom ang Heavy Bombers bago pinasabog ang 102-98 panalo.
“‘Di nawala ‘yong kagustuhan ng mga players manalo. It’s been a while since JRU has been in the Final Four,” sabi ni head coach Nani Epondulan. “’Di kami familiar sa ganitong atmosphere at situation, pero ‘yong mga bata they stayed composed.”
Para sa Letran at EAC, kailangan nilang manalo upang makahirit pa sila ng do-or-die Game 3.
- Latest


















