La Salle belles nakisosyo na lider
May 4, 2006 | 12:00am
Pinaluhod ng defending champion De La Salle University ang Lyceum nang magpamalas ito ng malakas na laro at itala ang 25-17, 25-21, 25-20 pananalasa kahapon upang makisosyo sa liderato sa Adamson University sa pagpapatuloy ng V-League na ipiniprisinta ng Shakeys sa Blue Eagle Gym.
Sa pinagsamang ganda at matutulis na spikes, kumana si Manilla Santos ng 13 hits nang tulungan niya ang Thai import na si Jindarat Kanchana para banderahan ang Lady Archers sa kanilang ikatlong sunod na panalo sa event na ito na hatid ng Shakeys Pizza at suportado ng Accel, Mikasa at ABC-5.
Tumapos si Kanchana, isa sa dalawang Thai imports na naglalaro sa torneong ito, nang may 12 puntos tulad ng output ni Jacqueline Alarca na humalili kay Desiree Hernandez, ang two-time UAAP MVP.
Ang tagumpay na ito ng Lady Archers ay banta sa kampanya ng Lady Falcons sa event na ito na inorganisa ng Sports Vision Management Group Inc.
Si Hernandez, susi sa three-peat title ng La Salle sa UAAP ay naglaro sa unang set ngunit hindi naglaro sa ikalawang set at nagtapos lamang ng may 1 point sa ikatlo.
Sa kabilang dako, ang guest player ng Lyceum na si Concon Legaspi ang tanging player na umiskor ng double figures para sa Lady Pirates.
Kumana din ito ng 10 hits.
Nadurog naman ang mataas na spiking pair nina Dahlia Cruz at Beverly Boto sa solidong net defense ng Lady Archers na napigil lamang sa 7 at 5 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Kasalukuyang naglalaro pa ang FEU at Ateneo habang sinusulat ang balitang ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended