Lyceum vs Adamson

Magbabanggaan nga-yon ang Lyceum at Adam-son University upang malaman kung sino ang mananatili sa solong liderato sa pagbabalik aksiyon ng women’s volleyball second confe-rence ng V-League na ipiniprisinta ng Shakey’s sa Blue Eagle gym.

Nangailangan ang Lady Pirates ng extra set bago nila napasuko ang Far Eastern University Lady Tams, 26-24, 25-23, 16-25, 25-19 noong Lunes, habang winalis naman ng Lady Falcons ang Philippine Christian University Lady Dolphins sa straight sets, 25-14, 25-20, 25-20 noong Sabado upang makisalo sa maagang pangunguna.

Kasalo ng dalawang koponan na nabanggit ang defending champion De La Salle University na namayani naman sa San Sebastian, 25-21, 25-20, 25-19 noong Lunes ng gabi at dumaan naman sa butas ng karayom ang Ateneo bago nila pinayu-kod ang University of the East sa makapigil-hini-ngang limang set, 25-20, 25-17, 21-25, 20-25, 15-10 noong Sabado.

Sa kabilang dako, muling binuhay ng Lady Stags at Lady Dolphins ang kanilang rivalry sa NCAA sa kanilang pagha-harap sa alas-6 ng gabi sa main game ng nasabing event na hatid ng Shakey’s Pizza at supor-tado ng Accel at Mikasa.

Show comments