^

PSN Palaro

Mahigpit na kompetisyon, inaasahan sa Padyak Pinoy

-
Sa likod ng pagkaka-urong ng Tour Pilipinas Padyak Pinoy, sigura-dong magiging mahigpit pa rin ang kompetisyon dahil mas marami nang premyo ang paglalaba-nan sa pinakaabangan na summer bikathon na han-dog ng Tanduay Rhum sa taong ito. Bukod sa mga cash prizes, isang maha-lagang insentibo ang idinagdag ng nag-organi-sang Dynamic Outsource Solution 1 (DOS-1) na nagdesisyong iurong sa May 11-21 ang 10-araw na karera na inilunsad kahapon sa lingguhang PSA Forum sa main function room ng Panta-lan Restaurant.

Sa kauna-unahang pagkakataon, sa taong ito, ang buong miyembro ng champion teams ay awtomatikong kuwali-pikado na sa susunod na taon na karera at di na kailangang dumaan pa sa qualifications na kasama ang top-three ng overall individual classification at ang rookie of the year.

Mamimintina ng champion  ang kompo-sisyon ng kanilang kopo-nan kaya’t magkakaroon ng pagkakataon ang champion team na ipag-tanggol ang kanilang korona.

Ang insentibong ito ang kukumplimento sa pagbaba ng team prize sa P700,000 mula sa dating P1 milyon gayunpaman ay lumaki ang premyo ng individual overall champion na ngayon ay P150,000 na mula sa P100,000.

Ayon kay Gary Cayton, presidente ng nag-oorga-nisang DOS 1, inurong ang Tour na dating naka-sche-dule sa Abril 20-30 dahil sa pagbabago sa ruta at para na rin matiyak ang seguridad ng mga partisipante.

Ang opening lap  ng karera ay sa Quezon City circle patungo sa Cabana-tuan City (119.70 km). at tatapusin ito ng regular criterium race sa  Manila tulad ng naka-gawian. (CVO)  

ABRIL

AYON

BUKOD

DYNAMIC OUTSOURCE SOLUTION

GARY CAYTON

MAMIMINTINA

QUEZON CITY

TANDUAY RHUM

TOUR PILIPINAS PADYAK PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with