Paboritong team nagpakitang-gilas
March 29, 2006 | 12:00am
Agad nagparamdam ng lakas ang mga heavyweight ng Visayas division --ang Foundation University (FU), University of St. La Salle (USL) at ng two-time champions University of San Jose Recoletos ng Cebu sa mens division kasabay ng malaking pagkatalo ng three-time at defending titlist South Western University (SWU) sa womens category.
Ginulantang ng University of San Agustin tandem nina Nerissa Bautista at Krista Marie Dolendo ang SWU duo nina Hazel Pinero at Maritess Natad, 25-12 sa womens division ng unang araw ng Visayas elimination ng 10th Nestea Beach Volley kahapon sa La Salle-Greenhills sa San Juan.
Bukod sa pagsubi ng 2-0 win-loss slate, isang malaking panalo ito para sa kanila matapos hiyain ang South Western na komopo ng womens title noong 2003, 2004 at 2005.
Umiskor naman ng dalawang sunod na panalo ang Foundation U pair nina Kent Bulabon at Rolando Agus, ang Colegio dela Purisima Concepcion, 25-14, at ang University of Southern Philippines, 25-19 sa mens division.
Pinarisan rin ng St. La Salle ang dalawang panalo ng FU matapos igupo ng tandem nina Marlon Luces at Mark Sabusap ang Iloilo Doctors College, 25-17, at ang University of San Carlos, 25-22.
Hindi rin naman nagpahuli ang San Jose Recoletos pair nina Jonrey "Air" Sasing at depensa ni 5-foot-9 Joseph Alguno matapos pabagsakin ang tambalan nina Jerome Capada at Jose Etcobanez ng University of Visayas, 25-14 sa mens division.
Nanalo din sa unang matches ng womens division ang University of Cebu sa San Carlos, 25-16, Negros Occ. Recoletos sa University of Iloilo, 25-5, at St. La Salle sa University of Southern Philippines, 26-24. (CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am