^

PSN Palaro

AIR21 lusot sa TNT

-
Dumaan muna sa butas ng karayom ang Air21 bago nailusot ang 105-102 panalo kontra sa Talk N Text sa pagpapatuloy ng PBA Gran Matador Brandy PBA Philippine Cup na nagpatuloy sa Araneta Coliseum kagabi.

Matapos umabante sa 94-88 ang Express, pitong sunod na puntos ang pinakawalan ni Jimmy Alapag upang maitabla ang iskor sa 97-all ngunit papasok sa huling 12 segundo ng laro, hawak ng Air21 ang 102-103 kalamangan.

Nakakuha ng foul si Willie Miller mula kay Yancy De Ocampo para sa dalawang freethrows ngunit nagmintis ito sa unang bonus shot para makalapit lamang ang Phone Pals sa 102-103, 12.7 segundo na lamang.

Lumayo ng tatlong puntos ang Air21 mula sa dalawang freethrows ni Renren Ritualo, 105-102, 10 segundo pa, upang i-pressure ang Phone Pals sa kanilang huling play.

Nagmintis ang pinakawalang tres ni Jimmy Alapag ngunit naka-rebound si Miller at mabilis nitong binitiwan ang isang triple sa pag-asang makahirit ng overtime.

Pumasok ang three-point shot ni Miller na halos kasabay ng final buzzer ngunit nang rebisahin mabuti ng mga referees ang game-tape ay nakitang ubos na ang game clock bago nakawala sa kamay ni Miller ang bola na nag-angat sa Air21 sa 1-1 panalo-talo habang nabaon ang Phone Pals sa 0-2.

Habang sinusulat ang balitang ito, nakikipaglaban ang defending champion Ginebra sa Sta. Lucia tangka ang ikalawang sunod na panalo para makasalo sa liderato. (CVOchoa)

ARANETA COLISEUM

DUMAAN

GRAN MATADOR BRANDY

JIMMY ALAPAG

PHILIPPINE CUP

PHONE PALS

RENREN RITUALO

TALK N TEXT

WILLIE MILLER

YANCY DE OCAMPO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with