2nd win asam ng Ginebra kontra sa Sta. Lucia
March 12, 2006 | 12:00am
Sa panalo sinimulan ng defending champion Barangay Ginebra ang kanilang kampanya sa pagtatanggol ng titulo sa PBA Gran Matador Brandy PBA Philippine Cup ngunit sinabi ni coach Siot Tanquingcen na marami pa silang kaila-ngang ayusin para sa kanilang sistema.
Naging magaan ang tagumpay ng Gin Kings sa kanilang debut game noong Miyerkules laban sa Talk N Text, 98-81 sa pagbibida ni Mark Ca-guioa na bagamat may pag-aalinlangan sa kan-yang kalusugan bago magsimula ang kumpe-rensiya ay nagpamalas ito ng eksplosibong laro upang ihatid ang Ginebra sa tagumpay.
"Were trying some small stuff and work out some detail na medyo obvious nung last confe-rence specially our turn-overs limit it to 16 dahil dati were averaging 20. Were trying to improve and hopefully it will get better," pahayag ni Tanquingcen.
Hindi gaanong naka-pag-practice si Caguioa gayundin si Jayjay Helter-brand noong break ngunit humataw si Caguioa ng 39-puntos upang bande-rahan ang Ginebra.
Hangad ng Ginebra na masundan ang pana-long ito sa pakikipagharap sa Sta. Lucia Realty sa alas-6:30 ng gabi pag-katapos ng sagupaang Air21 at Talk N Text sa pambungad na laban sa alas-4:10 ng hapon.
Kasalo ng Gin Kings sa 1-0 karta ay ang walang larong Purefoods sa likod ng Tigers na may malinis na 2-0 record habang ang Sta. Lucia ay may 0-1 record tulad ng Express, Phone Pals at Red Bull.
Inaasahan ni Tan-quingcen na siguradong babawi ang Sta. Lucia sa kanilang 88-104 pagka-talo sa Purefoods noong Miyerkules upang salu-han sa 1-1 record ang Alaska at San Miguel Beer.
Nasayang ang 31-puntos na produksiyon ni Dennis Espino para sa Realtors sa kanilanng nakaraang laro dahil sa 88-104 pagkatalo laban sa Purefoods.
Nais ring makabawi ng Air21 sa 83-104 pagka-talo sa Tigers noong opening day. (CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended