FEU hari sa National Students
February 26, 2006 | 12:00am
Ibinuhos lahat ng UAAP king pin Far Eastern University ang kanilang lakas upang payukurin ang NCAA counterpart na Colegio de San Juan de Letran, 83-75 upang sikwatin ang National Students Basketball Championships collegiate crown kahapon sa Rizal Coliseum.
Sa larong tinampukan ng mahigpit na depensa kung saan walang umabante sa dalawang koponan ng higit sa apat na puntos, isinet-up ni Jonas Villanueva ang sarili mula sa foul ni Boyet Bautista para sa pagpukol ng three-point play bago ninakaw ang bola para ihatid ang Tamaraws sa 75-70-pangunguna may 28 segundo na lamang ang nalalabi.
Nakalubog sa tatlong puntos, papasok ng huling 2:47 segundo ng final canto, trinangkuhan ni Arwind Santos ang Tamaraws ng kanyang itabla ang iskor sa 70-all matapos na gumawa ang Knights ng dalawang krusiyal na errors.
Tumapos si Villanueva na siyang kasama rin sa Mythical Five ng 16 puntos, habang iniuwi naman ni Jeffrei Chan ang MVP trophy matapos na magposte ng 15 puntos.
Samantala, kinailangan ng underdog na San Beda College ng milagro sa regulation bago nila napasuko ang San Sebastian Recoletos of Manila, 91-83 sa mahigpitang labanan para sa titulo ng high school division.
Sa womens division ng tournament na ito na inorganisa ng Philippine Basketball Federation at suportado ng San Miguel, Petron, Aktivade at Molten basketball, nagwagi naman ang Adamson University sa Ateneo de Manila University noong nakaraang linggo kung saan ang Lady Falcons na si Ewon Ayari ang tumungkab ng MVP trophy.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended