^

PSN Palaro

PSC balak idemanda ng POC

-
Dahilan sa kabiguang gampanan ang kanilang tungkulin, maaaring sampahan ng civil suit ng Philippine Olympic Committee (POC) ang Philippine Sports Commission (PSC). 

Ngunit hindi pa ito natitiyak ni POC president Jose "Peping" Cojuangco, Jr.

 "I don’t know. Pag-uusapan pa ng mga abogado namin at baka the civil suit might be filed against the Philippine Sports Commission for not following the law for not really collecting these amount," ani Cojuangco kahapon sa POC on Air program sa DZSR Sports Radio. 

Sa Republic Act 6847 na inakda ni dating Misamis Rep. Victorico Chavez noong 1990 na nagtatag sa PSC, nararapat na mag-remit ang Philippine Amusement and Gaming Corpo-ration (PAGCOR) ng 5 percent ng gross income nito sa komis-yon, samantalang 30 percent naman ang ibibigay ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) buhat sa anim na sweepstakes o lottery draws. 

Dapat namang magremit ang Bureau of Customs (BOC) ng 3 percent sa buwis na nakokolekta nito mula sa mga imported athletic equipment, dagdag ni Chavez.  

"The POC, representing the different NSAs, will most likely file a civil suit against those that are mandated by law to remit immediately and directly certain amount of their proceeds," ani Cojuangco. 

Sinabi ni Cojuangco na hindi na ginampanan ng PAGCOR, PCSO at BOC ang kanilang tungkulin sa PSC matapos mailuklok si dating Pangulong Fidel V. Ramos. 

Idinagdag ng POC chief na malaking tulong sa PSC at sa mga NSAs ang pagkolekta sa nasabing mga pondo mula sa PAGCOR, PCSO at BOC. (Russell Cadayona)  

BUREAU OF CUSTOMS

COJUANGCO

MISAMIS REP

PANGULONG FIDEL V

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPO

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RUSSELL CADAYONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with