Worlds No. 2 shuttler paparada sa RP Open
February 23, 2006 | 12:00am
Ipaparada ng Malaysia ang kanilang matikas na roster na kinabibilangan ng Worlds No. 2 sa mens single at reigning SEA Games womens double champion sa kanilang pagsabak sa first Bingo Bonanza Philippine Open Badminton Championships na ipiniprisinta ng PLDT Business Solutions sa Marso 1-5 sa PhilSports Arena.
At dahil sa pag-atras ng World No. 1 na si Lin Dan ng China sa susunod na linggong blue-ribbon event bilang pagahahanda sa kanyang paglahok sa mabigat na China Masters, si Lee Chiong Wei ang siyang magiging top-ranked player sa $120,000 tournament bagamat siya ay mapapasabak rin sa mga kapwa niya matitikas na player na gaya nina reigning world Olympic champion Taufik Hidayat at iba pa na maglalaban-laban para sa top plum na nagkakahalaga ng $9,600 sa mens singles.
Si Lee na semifinalist sa World Championships, sa 7-star tournament noong nakaraang taon ay galing sa malaking panalo noong nakarang buwan sa Swiss Open, isang linggo matapos na makarating sa semis ng All England Open.
Magtatangka rin sina Chin Eei Hui at Wong Pei na makabalik sa eksena sa kanilang SEA Games triumph sa womens doubles kung saan pangungunahan ng World No. 4 pair ang cast ng kanilang koponan sa event na ito na isang four-star tournament at sanctioned ng IBF at hatid ng Bingo Bonanza, JVC, PLDT at Smart.
Sa katunayan, ipadadala ng Malaysia ang kanilang pinakamalaking contingents sa limang araw na tournament na inorganisa ng IMG, na may 14 na manlalaro sa mens singles, lima sa womens singles, pitong pares sa mens doubles, apat na teams sa womens doubles at tatlo sa mixed doubles.
Umabot na sa 15 bansa ang nagkumpirma ng paglahok na kinabibilangan ng Finland, Austria, Vietnam, Netherlands, Hong Kong, Japan, United States, Singapore, Thailand, Indonesia, India, Malaysia, South Korea at Taiwan kung saan ang host country ay kakatawanin nina Kennie at Kennevic Asuncion at Paola Obanaña.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am