^

PSN Palaro

Isang bulilit na Celino Cruz, nakakapuwing!

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Isa na yata yun sa pinaka-classic at memorable na laro sa PBA.

We are referring to the Red Bull-Ginebra game last Sunday.

Talagang napakaganda ng laro at hanggang sa huling sandali, the game will make you bite your nail.

Isang underrated na Celino Cruz lang ang nakapagpabagsak sa malakas na puwersa ng Ginebra .Hindi nila inakalang ang bulilit na tulad ni Celino Cruz ang magdadala ng biggest damage sa kanila.

Si Celino Cruz ay dating player ng FEU Tamaraws, naglaro sa PBL, at hindi masyadong napansin nung umakyat siya  sa PBA.

Napulot lang siya ng Red Bull mula sa dispersal draft.

Little did they know na ang pagkakapulot nilang ito kay Celino ang siyang tutulong sa kanila para makarating sa finals.

Ngayong nakapuwing na si Celino Cruz sa mga higante, no one is going to take him for granted again.

Lalo na ang Purefoods.
* * *
Kahit na noong nasa FEU pa lang si Celino, underrated pointguard din ang papel niya.

Mas marami pang mas superstar sa kanya sa mga kasabayan niya sa Tamaraws nung panahon niya.

Ngayon, si Celino na lang ang nag-survive sa grupo na  yun at siya pa ngayong namamayagpag sa PBA.

Yung mga kasabayan niya ay nawala na sa eksena-- yung iba’y nag-quit na sa paglalaro, yung iba’y na-realize na hindi talaga sila puwede sa PBA at yung isang sikat na sikat dati sa UAAP ay tuluyan nang nalaos dahil sa kanyang pagka-ingrato sa mga taong nakatulong sa kanya nung nasa college pa siya.

Ang buhay basketball talaga…..
* * *
Huwag magulat kung madalas na makikitang manonood ng PBA games si Danica Sotto, anak ni Vic Sotto at Dina Bonnevie at kapatid ni Oyo Boy Sotto.

May bago nang inspirasyon si Mark Pingris!

vuukle comment

CELINO

CELINO CRUZ

DANICA SOTTO

DINA BONNEVIE

MARK PINGRIS

OYO BOY SOTTO

RED BULL

RED BULL-GINEBRA

SI CELINO CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with