^

PSN Palaro

Mayol may tsansa na sa WBC strawweight title

-
MEXICO -- Umiskor ang undefeated Filipino boxers na si Rodel Mayol ng im-presibong fourth round knockout laban sa local bet na si Lorenzo Trejo kahapon upang magkaroon ng tsansang kalaba-nin si World Boxing Council (WBC) strawweight champion Eagle Kyowa ng Japan.

Ang 12-round bout sa Plaza de To-ros, Cancun, ROO ay nagsilbing elimi-nation match para sa karapatang hamu-nin si Kyowa.

Ang laban ay isa sa major under-cards ng Jorge Arce-Adonis Rivas re-match.

Isa na naman itong dagok para sa Mexican boxers matapos ang nakara-ang pagdurog ni Manny Pacquiao kay Erik Morales na kanyang na-knockout sa ika-10th round sa kanilang rematch sa Las Vegas.

Sa unang round pa lamang, pina-bagsak na ng top-ranked na si Mayol ang rated No. 2 ng WBC na si Trejo para patahimikin ang mga Mexicano.

Tuluyan nang pinatumba ni Mayol si Trejo sa pamamagitan ng kanyang matulis na uppercut sa fourth.

Umangat ang Pinoy pug sa 22-0, win-loss slate record na kinapapalooban ng 17 KOs, habang bumagsak naman si Trejo sa 24-13, 11 win-loss-draw.

Samantala, pinigilan naman ni Arce si Rivas sa ikalawang sunod na pagka-kataon sa loob lamang ng dalawang buwan nang sumuko ang former two-time World Boxing Organization (WBO) champion matapos ang anim na round.

Ikinasa ang rematch matapos ang binabatikos na 10th round stoppage ni Arce kay Rivas noong December 2005.

Umangat si Arce sa 43-wins, 3 loss at 1-draw na may 33-KOs at bumagsak si Rivas 21-9-10 na may 10 KOs.

EAGLE KYOWA

ERIK MORALES

JORGE ARCE-ADONIS RIVAS

LAS VEGAS

LORENZO TREJO

MAYOL

RODEL MAYOL

TREJO

UMANGAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with