"All these changes are good. I think it was time for me to make changes. And I feel very good about it. I feel very strong," ani Morales sa pamamagitan ng kanyang manager na si Fernando Beltran.
Isa sa pagbabago na ito ay ang pakikipaghiwalay niya sa kanyang amang si Jose Morales at pagpasok ni Jose Luis Lopez bilang bagong trainer para sa laban na ito.
Ang matandang Morales ang sinisisi sa nakakahiyang kabiguan nito kay Zahir Raheem noong Setyembre at may ulat na hindi ito siguradong manonood sa laban ng kanyang anak.
Nakatakdang maglaban sina Morales at Pacquiao sa Sabado (Linggo ng tanghali sa Manila) sa Thomas and Mack Center, ilang bloke lamang ang layo mula sa 2,700-room Wynn Resort and Casino.
Sa kanyang mga nagdaang laban, kasama na ang una kay Pacquiao, si Morales ay nagsasanay sa Otomi Mountain sa Mexico. Ngayon nagsanay siya sa Querataro, na mas mainit.
"Im in very good condition. I feel very strong," dagdag ni Morales sa pamamagitan ng kanyang manager na nagsabi ding nagsanay ang kanyang bata sa loob ng 10 linggo -- pagkatapos ng kabiguan noong Setyembre at kasal noong Oktubre.
"Were prepared for anything in the ring. We did a great work in training," ani Morales.
Ayaw namang magsalita ni Morales tungkol sa balitang nahihirapan itong makatuntong sa 130 lbs weight limit. (Abac Cordero)