Ayon kay Keon, muli niyang pagtutuunan ng pansin ang kanyang trabaho sa Ilocos Norte bilang sports consultant.
"I have a big stake in the regional meet next year," sabi ni Keon sa paghahanda ng Ilocos Norte sa Ilocos Regional Athletic Association (IRAA). "We have been the overall champion in the last five years and we must maintain that position."
Magtatapos ang kontrata ng dating National Director ng nagibang Project: Gintong Alay sa Disyembre 31 ng taong ito.
Isa lamang si Keon sa ilang consultants na kinuha ng sports commission para sa nakaraang 23rd Southeast Asian Games.
Samantala, naniniwala naman si Keon na makakapag-uwi ang Team Philippines ng higit sa 10 gintong medalya para sa 15th Asian Games sa Doha, Qatar sa Disyembre ng 2006.
"If they were able to win the overall title in the last SEA Games with very short preparation, I dont see any reason why they will not succeed in the Asian Games," anito. (R. Cadayona)