PBA tiyak na puno sa pasko

Tiyak na mapupuno ang Cuneta Astrodome sa December 25 dahil may laro ang PBA.

Mas matutuwa sila kung libre ang tickets bilang Christmas gift sa mga fans ng PBA.

Ha ha ha!
* * *
Tutuo? Isang dating college basketball player na naglalaro sa isang glamorosong eskuwelahan ay isang certified bading na ngayon!

Dati’y ang hilig niya sa chicks pero ngayon, ang hanap niya’y lalaki na.

Nakakaloka!

Masa-shock ang mga dati niyang teammates pag nalaman nila kung sino siya.

Kalaki-laking tao at kalaki ng katawan, dating terror sa basketball court, ngayon po ay miyembro na ng federacion.

Sabi-sabi, ang una nyang naka-relasyon ay isa ring guwapong dating college player na ngayon eh naglalaro sa isang PBL team.
* * *
Naalala ko tuloy yung kuwento sa amin nung isang beteranong player na sikat na sikat during the MICAA days.

May isa raw silang teammate na hanep kung makipagkaldagan sa court.

Ang lakas-lakas daw pagdating sa rebounds dahil talagang nakikipagsabayan sa ere.

After a few years, nagulat daw siya nung makita niya ang teammate niya na naka-palda na.

In short, bading na nga.

Lahat daw ng kuwentuhan nyang players noon eh ayaw maniwala sa sinasabi niya.
* * *
Special guest ng bagong TV show na SMS o Sunday Mall Show ang Rain or Shine basketball team. Pinasaya nila ang maraming tao sa SM San Lazaro nung taping day. Namigay sila ng mga t-shirts at kalendaryo at sumali din sila sa game. Dumating ang buong tropa kasama ang kanilang team manager na si Boy Lapid. Siyanga pala, happy birthday kay Boy Lapid. Nagdiwang siya kasama ang mga players niya sa Kamay Kainan sa Market Market nung isang araw. Eat all you can sa Kamay Kainan kaya sumuko sa dami ng pagkain ang mga players.

Ang Sunday Mall Show ay mapapanood sa Linggo, 1 to 2 pm, sa Channel 13.

At muli, happy birthday, Coach Boy! Itong si Boy ang isa sa well-loved personalities sa PBL dahil ma-PR at mabait. Mula nang isinilang ang Welcoat ay nandyan na siya sa team at mula noon hanggang ngayon, siya pa rin ang most trusted man ng mga Welcoat big bosses.
* * *
Wala na sina JA Coching at Christian Guevarra sa Rain or Shine o dating Welcoat team. May mga kontrata pa sila pero pinili nilang hindi na ito tapusin.

Umaasa sila na makakakuha sila ng team na magbibigay sa kanila ng playing time.
* * *
Isa si Nicole Uy sa kasali sa Extra Challenge this week.

Si Nicole ay dating San Sebastian College player at naglaro rin sa PBL.

Show comments