^

PSN Palaro

Ratsada na ang San Miguel

SPORTS - Dina Marie Villena -
Heto na ang San Miguel Beer. Rumaratsada na pagkatapos ng sunud-sunod na talo, nagsimula nang bumangon at agad bumanat ng apat na sunod na panalo.

Sabi nga ng kaibigang Serge Alombro ng San Miguel Corporation, talagang ganyan, nagpapabugbog lang muna bago babangon at tatayo para sila naman ang manalasa.

O well, mukhang totoo nga.
* * *
Kahapon nagkaroon ng thanksgiving party ang Team Philippines sa Century Park Sheraton Hotel. May mass muna para sa pagpapasalamat sa ating ‘Panginoon sa tinamong tagumpay at kasunod nito ang party to the max para sa ating mga atleta.

Deserving naman na magkaroon ng party ang ating mga atleta dahil sa kauna-unahang pagkakataon, nag-overall champion din ang Pilipinas.

Noong 1991 Manila SEA Games, kinapos tayo ng isang gintong medalya para mag-overall champion na nakuha ng Indonesia. Ngayon talagang siniguro na ang tagumpay.
* * *
Magkano kaya ang gagastusin ng First Gentleman sa pangako niyang Trip to Hong Kong kapag nag-overall champion ang Pilipinas? Malaking halaga din yun dahil higit yata sa 700 atleta ang kanyang bibiyayaan ng biyaheng ito.
* * *
Pagkatapos ng SEA Games, papagitna naman ang ASEAN Para Games.

Ito ang palaro ng mga differently-abled na mga tao na may natatagong lakas at kakayahan sa larangan ng sports.

Magsisimula na ito sa Disyembre 14 sa Rizal Memorial Track Oval.

At bongga ang kanilang inihahandang opening ceremonies. Imagine si Lea Salonga ang kumanta ng kanilang theme song na pinamagatang "The Power of my Dream" na kapag napakinggan mo ay napaka-broadway ng dating.

Mabuti na lang at may mga sports events na katulad nito na iniho-host ng ating bansa. At least pansamantalang natatakpan ang ilang hindi magagandang pangyayari sa ating bansa.

Lalo na ngayong malapit na ang Kapaskuhan, siguro dapat puro positive ang nasa isip ng mga Pinoy para pansamantalang maibsan ang paghihirap.
* * *
Pahabol: Happy birthday nga pala sa aking bunso na si Lorraine Jane na magdiriwang ng kanyang kaarawan ngayon. Also to Jun Limpot on Dec. 14 at belated din kay coach Nat Canson (Dec. 12).

CENTER

CENTURY PARK SHERATON HOTEL

FIRST GENTLEMAN

HONG KONG

JUN LIMPOT

LEA SALONGA

LORRAINE JANE

NAT CANSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with