^

PSN Palaro

Pinay judoka nalusutan ng gold

-
CEBU CITY -- Bigo ang naging pangwakas na kam-panya ng Philippines sa 23rd SEA Games judo competition nang nakalusot sa kamay ni Ruth Dudaduga ang gintong medalya na tanging pag-asa sana ng Philippines na makuha ang overall championship sa naturang event dito sa Man-daue City Sports and Cultural Complex.

Nabigo si Dudaduga sa pamamagitan ng kontrober-siyal na hantei (decision) kay Thai Patcharee Pichaipat sa -78 kgs. division--isang desis-yong hindi matanggap ng mga manonood.

Kapwa hindi naka-iskor sina Dudaduga at Patcharee sa loob ng limang minutong regu-lation period. At sa ‘golden score’ extension kung saan ang unang iiskor na player ang magwawagi, na-penalized si Dudaduga dahil sa hindi pag-atake at idineklarang kampeon ang Thai.

"Siyempre malungkot pero yun ang desisyon nila, wala akong magawa," anaman ng tubong Davao City na si Dudaduga.

Ang kabiguan ni Dudaduga at naglagay sa Philippines sa ikatlong puwesto na may 4 golds, 2 silvers at 6 bronzes. Ang mga naka-gintong judo-kas ay sina Helen Dawa (-45 kgs.), John Baylon (-81 kgs.), Gilbert Ramirez (-73 kgs.), at Karen Ann Solomon (-66 kgs.).

Sa kabilang dako, nag-ambag naman ng bronze medal sina Franco Teves at Pedro Daniel para sa RP.

Tinalo ni Teves ng Zam-boanga si Olot Sasengboun ng Laos gamit ang lock technique para sa ippon may 1:41 mark para sa bronze medal sa -55 kgs. category.

Si Daniel, na yumuko kay Indonesian Edly Gan sa first round, ay buong tapang na bumangon at makabalikwas mula sa waza-ari (half point) at gapiin si Saw Maing San sa mat para maagaw ang panalo sa pamamagitan ng ippon may 23 segundo na lamang ang nalalabi. (Emmanuel Villaruel-The Freeman)

CITY SPORTS AND CULTURAL COMPLEX

DAVAO CITY

DUDADUGA

EMMANUEL VILLARUEL-THE FREEMAN

FRANCO TEVES

GILBERT RAMIREZ

HELEN DAWA

INDONESIAN EDLY GAN

JOHN BAYLON

KAREN ANN SOLOMON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with