Bitbit pumadyak ng silver sa ITT
December 2, 2005 | 12:00am
TAGAYTAY CITY Naisukbit ni Marties Bitbit ang kanyang ikalawang medalya ngunit silver lamang ito sa individual time trial ng road race sa Tagaytay City habang bigo naman ang kalalakihan na makipag-unahan sa karera para sa gintong medalya.
Si Bitbit, gold medalist sa crosscountry, ay naorasan ng isang oras, 9 minurto at 53.09 segundo upang maunahan sina Indonesian Santi Tri Kusuma (1:09:34.62) na siyang champion sa event noong 2003 Vietnam Games. Nasa ikatlong puwesto naman ang Vietnamese na si Nguyen Hoang Oanh (1:00.32).
Ito ang unang pagkakataon na sumali si Bitbit sa road race ng cycling sa SEA Games. Lumahok din ito sa mountain bike noong 1997 sa Jakarta, at nag-uwi ng silver medal.
"Sayang," tanging sambit ni Bitbit, na muling magtatangka ngayon sa massed start.
Naghari naman ang Vietnamese na si Mai Cong Hieu sa mens 39-km ITT sa tiyempong 1:04:12.79, ikalawa ang Indonesian na si Tonton Susanto sa bilis na 1:04:50.88 at ikatlo ang Malaysian na si Razalli Shahrlneza 6:33.31. (Lawrence John Villena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended