^

PSN Palaro

Yap nagpagulong ng ginto sa bowling

-
Matapos ang masa-mang pagulong sa fourth game, bumangon si Maria Cecilia Yap sa fifth at sixth game upang pagreyna-han ang women’s singles (long oil) sa bowling event ng 23rd Southeast Asian Games kahapon sa Pearl Plaza Bowling Center sa Parañaque City.

Nagpagulong si Yap ng kabuuang 1,358 pin-falls mula sa 226 average para ibulsa ang gold medal sa nasabing event.

"This is for all the Filipi-nos. This is for our coun-try," sabi ni Yap makaraan ang kanyang panalo sa naturang event.

Kinuha naman ni Zan-dra Aziela ng Malaysia ang silver medal sa napagulong niyang 1,342 pinfalls buhat sa 223 average kasunod si Novie Phang ng Indonesia para sa bronze medal sa kanyang 1,334 galing sa 222 average.

 Nakuntento naman si Markwin Lopez Tee sa silver medal sa men’s singles (long oil) matapos pumangalawa kay Ryan Leonard Lalisang ng Indo-nesia sa kanyang naipos-teng 1,400 pinfalls sa ilalim ng 1,425 ng huli.

 Pumuwesto sina Fili-pina keglers Liza Del Rosario at Jojo Canare sa 5th at 6th place, ayon sa pagkaka-sunod, sa women’s singles (long oil) sa likod ng kanilang magkatulad na 1,302 pinfalls mula sa 217 average.

 Pinangunahan ni Phang ang first hanggang fourth frame hanggang magkulapso sa fifth at sixth game na siyang sinabayan ng magandang pagulong ni Yap, miyem-bro ng RP Team na ku-muha ng ginto sa wo-men’s trio event sa 2003 World FIQ kasama sina Del Rosario at Liza Clutario. (Russell Cadayona)

DEL ROSARIO

JOJO CANARE

LIZA CLUTARIO

LIZA DEL ROSARIO

MARIA CECILIA YAP

MARKWIN LOPEZ TEE

NOVIE PHANG

PEARL PLAZA BOWLING CENTER

RUSSELL CADAYONA

RYAN LEONARD LALISANG

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with