^

PSN Palaro

12 golds nakalaan sa wrestling ngayon

-
Sisimulan na ng RP wrestlers ang kanilang kampanya sa 23rd Southeast Asian Games sa pagbubukas ng kompetisyon ngayong alas-7:00 ng umaga sa San Andres Gym sa Malate, Manila.

Pangungunahan ni  Marcus Valda, double gold medalists sa Vietnam SEA Games noong 2003, ang kampanya ng Pambansang koponan sa tatlong araw na kompetisyon kung saan nakataya ang 12-golds.

Katulong ni Valda sina Ma. Christina Villanueva at Melchor Tumasis na nagsubi din ng gold sa nakaraang edisyon ng biennial meet kung saan dinomina ng Vietnam ang naturang event sa pagkopo ng 18 sa kabuuang 22-golds.

Nakataya ang anim na golds ngayong araw kung saan makikipaglaban sina  Villanueva sa 48kgs. At Gemma Silverio sa 55kgs. category sa women’s division.

Sasabak sa men’s division si Valda sa 84kgs. kasama sina Tumasis sa 55kgs. category, Michael Baletin na nais higitan ang kanyang silver medal finish noong 2003 SEAG sa 66kgs. category, at Francis Villanueva sa 120kgs. category.

Ang iba pang miyembro ng RP wrestling team na nais higitan ang apat na gintong produksiyon sa Vietnam ay sina Margarito Angana  (55kgs.), Jimmy Agana (60kgs.), Maribel Jambora (48kgs.), Belinda Lapuente (51kgs.) at Cherry Matriz.

Samantala, magsisimula na rin ang aksiyon sa squash competition sa Makati Sports Club para sa men at women’s singles competition. (C V. Ochoa)

AT GEMMA SILVERIO

BELINDA LAPUENTE

C V

CHERRY MATRIZ

CHRISTINA VILLANUEVA

FRANCIS VILLANUEVA

JIMMY AGANA

MAKATI SPORTS CLUB

MARCUS VALDA

MARGARITO ANGANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with