RP sluggers nanalasa na

Nagpakita na ng kanilang tikas ang Philippine baseball team makaraang durugin ang Malaysia, 38-0 sa pinaiksing apart at kalahating inning na laro sa pagsisimula ng event sa 23rd Southeast Asian Games sa Rizal Ballpark.

Maaga pa lang ay impresibo na nilaro ng RP Blu Boys nang humataw agad ito ng 24 hits laban sa apat na Malaysian ptichers at nagtulong pa sina Pinoy pitchers Joseph Orillana at Roy Baclay sa no-hit, no-run na performance.

"The team was in good condition and they were eager to play that’s why they couldn’t be stopped from hitting," wika ni RP coach Edgar delos Reyes.

Humataw din ng grand slam sina Andro Cuyugan at Erick Francisco na kapwa 3-on-3 sa bat sa ikalawang inning tungo sa impresibong pananalasa ng Pinoy.

Malakas na pinapaboran ang Philippines para sa titulo kung saan makakalaban nila ang Indonesia ngayong alas-10:30 ng umaga. (Lawrence John Villena)

Show comments