Dumating ang 29 anyos na si Mamiit mula sa Amerika kahapon ng madaling araw, at kinabu-kasan ay agad binisita ang Rizal Memorial Tennis Center.
"Ive always wanted to come back," ani Mamiit, na nanirahan sa Amerika kasama ang pamilya noong 1983. Dito niya hinasa ang kanyang kakayahan sa tennis, sumali sa ibat ibang torneo at gumawa ng pangalan.
Nakapasok si Mamiit sa worlds top 50 may da-lawang taon na ang na-kaka-lipas ngu-nit bumaba at kasalukuyang pang-211 ito ngayon sa daigdig.
"This is something Ive wanted to do," ani Mamiit matapos ang maikling workout sa ilalim ng matinding init ng araw.
Kasama din niya ang mga kakamping sina Fil-American Eric Taino at local-based PJ Tierro at Johnny Arcilla at ilang players mula sa Indo-nesia.
Tulad ng mens team, mabigat na hamon din ang nakaatang sa balikat ng womens team sa SEA Games. (Abac Cordero)