^

PSN Palaro

Women’s football sumipa na rin

-
Pagkatapos ng men’s football at water polo, nagsimula na rin ang aksiyon sa women’s football ng 23rd Southeast Asian Games kahapon sa Marikina Sports Center.

Isang simpleng seremonya ang idinaos kahapon ng umaga na dinaluhan nina Philippine SEA Games Organizing Committee (PHILSOC) president Jose ‘Peping’ Cojuangco, Marikina Mayor Lourdes Fernando, at Philippine Football Federation president Johnny Romualdez.

Ang unang asignatura ng RP women’s football team ay ang Thailand sa Huwebes dakong alas-6:30 ng gabi kasunod ang Indonesia sa Sabado, Vietnam sa Nov. 28, at Myanmar sa Nov. 30.

Binuksan ng Thailand ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng 2-1 panalo laban sa Indonesia sa opening game kagabi.

Bubuksan naman ng Vietnam ang kanilang kam-panya sa pagtatanggol ng titulo sa pakikipagharap sa Myanmar na kasalukuyan pang naglalaban habang sinusulat ang balitang ito.(CVOchoa)

BINUKSAN

BUBUKSAN

COJUANGCO

GAMES ORGANIZING COMMITTEE

JOHNNY ROMUALDEZ

MARIKINA MAYOR LOURDES FERNANDO

MARIKINA SPORTS CENTER

MYANMAR

PHILIPPINE FOOTBALL FEDERATION

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with