From boxing puwedeng maging ballroom dancer si Onyok
November 8, 2005 | 12:00am
Naaliw ako sa panonood kay Onyok Velasco, ang Olym-pic silver medalist sa kanyang pagsasayaw sa programang "Shall We Dance" na iniho-host ng napakagandang si Lucy Torres-Gomez noong Linggo ng gabi sa ABC-5.
Parang hindi ko mai-magine na ang boksingerong si Onyok ay marunong palang magsayaw.
Napanood ko na siya bilang komedyante at okay naman siya bilang artista.
At ang isinayaw niya ay ang swing. Tema kasi ng progra-mang "Shall We Dance" the Celebrity Dance Challenge, ay dance contest ng mga celebrity at pawang mga ballroom dancing ang isasayaw. Sa kanilang unang edisyon, ang mga celebrity na kalaban ni Onyok ay sina Angelu de Leon, Gardo Versoza at Jaycee Parker.
Ang mga ka-partner nila ay pawang mga dance instructor.
Bigay na bigay si Onyok sa kanyang pag-swing at hanep sa suot talaga namang kahit sino ay hindi mag-aakalang puwede palang dancer ang boksingerong ito.
Inamin ni Onyok na kabado siya habang nagsasayaw dahil nga hindi niya forte ito, pero at the same time nag-enjoy siya ng husto.
Ito ay tuwing Sunday at tiyak na aabangan ko dahil baka mapanood ko rin ang ilang atleta dito o basketbolista na magsasayaw.
Naku, ilang araw ay sasambulat na ang 23rd Southeast Asian Games na ihi-host natin. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari pero gayunpaman, nagdadasal na sana maging succesful ang ating mga atleta para naman sa ating bansa.
Sana naman maisakatuparan natin ang layunin nating makamit ang overall championship sa SEA Games. Kahit na medyo alam nating malabo, nananalangin pa rin akong matupad ito.
At lahat ng mamamayang Filipino ay umaasa din at mana-nalangin para sa kampanya ng ating mga Pambansang atleta.
PERSONAL: Happy birthday kina Nolan Bernardino (Nov. 8) Jun Bernardino (Nov. 9), Rhea Navarro (Nov. 12), Norman Black (Nov.12), Jerry Codiñera (Nov. 14) at Alvin Patrimonio (Nov.17). Also to my kumareng Violy sa Nov. 12.
Parang hindi ko mai-magine na ang boksingerong si Onyok ay marunong palang magsayaw.
Napanood ko na siya bilang komedyante at okay naman siya bilang artista.
At ang isinayaw niya ay ang swing. Tema kasi ng progra-mang "Shall We Dance" the Celebrity Dance Challenge, ay dance contest ng mga celebrity at pawang mga ballroom dancing ang isasayaw. Sa kanilang unang edisyon, ang mga celebrity na kalaban ni Onyok ay sina Angelu de Leon, Gardo Versoza at Jaycee Parker.
Ang mga ka-partner nila ay pawang mga dance instructor.
Bigay na bigay si Onyok sa kanyang pag-swing at hanep sa suot talaga namang kahit sino ay hindi mag-aakalang puwede palang dancer ang boksingerong ito.
Inamin ni Onyok na kabado siya habang nagsasayaw dahil nga hindi niya forte ito, pero at the same time nag-enjoy siya ng husto.
Ito ay tuwing Sunday at tiyak na aabangan ko dahil baka mapanood ko rin ang ilang atleta dito o basketbolista na magsasayaw.
Sana naman maisakatuparan natin ang layunin nating makamit ang overall championship sa SEA Games. Kahit na medyo alam nating malabo, nananalangin pa rin akong matupad ito.
At lahat ng mamamayang Filipino ay umaasa din at mana-nalangin para sa kampanya ng ating mga Pambansang atleta.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended