Ipiprisinta ng Braveheart Promotions ni North Cotabato Gov. Manny Piñol, layunin ng 68-round slugfest na makalikom ng pondo na kinakailangan upang maitustos sa legal battle ng two-time world champion na si Luisito Espinosa.
"Its about time that we lend a hand to our very own Luisito Espinosa," ani Piñol sa SCOOP sa Kamayan-Padre Faura kahapon. Hanggang ngayon ay hindi pa nakakolekta si Espinosa ng kanyang $150,000 premyo mula sa kanyang matagumpay na pagdedepensa sa korona laban sa Argentinian na si Carlos Rios sa Koronadal, South Cotabato.
Ayon pa kay Piñol, si Pacquiao ay kasalukuyan ng nangako ng P100,000 halaga ng tickets at panibagong P50,000 na ipinangako naman ni Manila mayor Lito Atienza. Naghihintay pa rin siya ng mga pangako ng suporta mula kay immigration commissioner Al Fernandez at Manila Rep. Miles Roces.
"The first 1,000 tickets will be given away for free courtesy of Manny Pacquiao," wika pa ni Piñol.
Dadalo si Pacquiao sa nasabing laban kasama si Wakee Salud.
Sina Montilla at Delada ay kapwa hindi umabot sa itinakdang weight limit na 135 lbs kung saan ang kampeon ay galing sa 133 lbs at ang ace challenger mula sa stable ni Wakee Salud sa Cebu ay may timbang na 134.
Sa iba pang national title fight, itataya ni Eric Barcelona ng Leonil laban sa No. 2 challenger na si Celso Danggod ng Dante Almario Stable Muntinlupa.