^

PSN Palaro

Kanino ang sisi?

GAME NA! - Bill Velasco -
Kahapon nagtawag ng press conference ang De La Salle University para mabigyan ng katapusan ang kanilang imbestigasyon sa dalawang manlalaro nila na hindi karapatdapat maglaro sa UAAP. Gaya ng inaasahan, tinukoy ang pangalan ng dalawa na sina Mark Benitez at Tim Gatchalian. At gaya rin ng inaasahan, may itinuturong salarin o pinaghihinalaan.

Subalit may mga katanungang di pa sapat na natugunan.

Una, kung alam ng La Salle na maaring peke ang papeles ni Benitez, bago pa man nagsimula ang Game 2 ng UAAP, bakit pa ginamit ang bata?

At ano ang ibig sabihin ng diumanong balita na, kung nagwagi ang Green Archers sa Game 2, hindi sila sisipot sa Game 3?

Kung idurugtong ito sa pahayag ng UAAP, ibig sabihin ay naprotektahan ang kikitain ng lahat ng kinauukulan sa naturang laro?

Ang pinakamalalim na tanong ay ito, sino ba talaga ang nakakaalam sa katayuan ng mga players ng varsity team?

Nakausap ko ang coach ng isa pang UAAP team, at sinabi niyang binabantayan niya ang grado ng kanyang player. Kung mababa, bibigyan ng tutor, o kaya’y hindi nag-eensayo ang player. Garahe ito habang pinapataas ang mga grado.

Kung ganun, hindi ba trabaho ng coach o coaching staff ang alamin ang katayuan ng kanilang mga players, dahil may epekto ito sa team?

Posible ba na walang ibang miyembro na nakakaalam o nakakahalata man sa kakampi?

Kung susuriin natin, marami pa ang maaaring madawit sa kasong ito, dahil maraming dinaraanan ang player. Mula sa kanyang recuiter, high school coach, college coach at mga guro.

Ang susunod na tanong ay ito, ano pa bang papeles ang maaaring mapeke ng mga players? Mayroon bang lagpas sa takdang edad na di natin nalalaman? May mga players ba na nalalaman? May mga player ba na hindi talaga nag-aaral?

Naalala ninyo na, noong 2004 may dalawang college player na hindi masabi sa talk show kung anong kurso pinag-aaralan nila?

Tanggap na natin na hindi alam ng maraming player ang kanta ng kanilang alma mater, pero sana may iba pa silang partisipasyon liban sa basketball. Kundi wala silang pagkakaiba sa mga pekeng Fil-Am na bulsa lamang ang iniisip, walang integridad, at walang pakialam sa ibang tao, liban sa kanilang sarili.

Ang masakit pa nito, mas marami na ang players na ganyan, di pa lang nahuhuli.

BENITEZ

DE LA SALLE UNIVERSITY

FIL-AM

GREEN ARCHERS

KUNG

LA SALLE

MARK BENITEZ

TIM GATCHALIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with