^

PSN Palaro

Bustamante umusad sa semis

-
Binalewala ni Francisco ‘Django’ Bustamante ang pananakit ng kanyang kanang siko upang pigilan ang giant-killing na si Edgardo Sibuco, 9-4 at umusad ng isang panalo para makasungkit ng slot sa semifinals ng Philippine 9-Ball Open kahapon sa Robinson’s Galleria Trade Hall.

Naunang tinalo si Sibuco sina Ramil Gallego at Loenardo ‘Dodong’ Andam.

"Sa US ko pa nakuha ‘to," patungkol ni Bustamante sa pananakit ng kanyang siko kung saan ang kanyang asawang si Mila ay nakatakdang magsilang ng ikatlo nilang anak dalawang buwan mula ngayon na nagche-cheer sa dating No. 1 mula pa sa unang araw ng kompetisyon.

Matapos na mawala ang kanyang unang dalawang breaks, kinuha ni Bustamante ang sumunod na frame upang agawin ang tempo tungo sa kanyang panalo.

Susunod na makakasagupa ni Bustamante ang mananalo sa pagitan nina Alex Pagulayan at Dennis Orcullo.

vuukle comment

ALEX PAGULAYAN

ANDAM

BALL OPEN

BINALEWALA

BUSTAMANTE

DENNIS ORCULLO

DJANGO

EDGARDO SIBUCO

GALLERIA TRADE HALL

RAMIL GALLEGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with