^

PSN Palaro

Pacquiao, dumating na

-
Kung si Manny Pacquiao ang masusunod, nais nito na huwag munang paakyatin sa ibabaw ng lona ang kanyang nakakabatang kapatid na si Bobby para sa kanyang rematch kay Carlos ‘Famoso’ Hernandez ng El Salvador.

Ito ang binitiwang salita ni Manny ng dumating silang magkapatid kahapon sa Ninoy Aquino International Airport mula sa Los Angeles, California sakay ng Philippine Airlines kung saan masaya silang sinalubong sa arrival ng kanilang mga tagahanga.

Ayon kay Pacquiao, nais niyang sa buwan na lamang ng Pebrero ng susunod na taon itakda ang rematch ni Bobby at ni Hernandez na kanyang tinalo sa pamamagitan ng split decision sa kanilang 10-round bout upang makapagpahinga ito ng husto.

Isa pang dahilan ni Manny ay hindi niya matutukan ang paghahanda ng kanyang kapatid kung saan abala naman siya sa sariling preparasyon para sa kanilang rematch ni Erik Morales sa Enero 21, 2006 sa Las Vegas.

AYON

EL SALVADOR

ENERO

ERIK MORALES

FAMOSO

HERNANDEZ

LAS VEGAS

LOS ANGELES

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PHILIPPINE AIRLINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with