^

PSN Palaro

Guerrero nagbalik-aksiyon

-
Matapos ang tatlong taon, muling nagbabalik sa aksyon si 2000 Sydney Olympic Games campaigner Jenny Guerrero.

Nagposte ang pambato ng University of the Philippines ng bilis na 1:18.75 para ungusan sina Denjylie Cordero at Edzen Dinglasan na naglista ng 1:19.11 at 1:20.54, ayon sa pagkakasunod, sa women’s 100-meter breaststroke sa Day 2 ng Bank of Commerce National Open Swimming Championships kahapon sa Rizal Memorial Swimming Pool.

"After the Sydney Olympics talagang nagpahinga muna ako kasi maraming problema pa noon eh, may mga issues sa swimming na hindi ko nagustuhan," ani Guerrero, pinagreynahan ang 200m Individual Medley noong Martes sa oras na 2:29.67.

Para paghandaan ang darating na 23rd Southeast Asian Games sa Nobyembre, sumama si Guerrero sa isang 16-man delegation na nagtungo sa China para sa isang three-month training.

"Medyo pagod pa ako kaya mabagal ‘yung nai-submit kong time. Pero I’m confident na mai-improve ko pa ito kapag nakapagpahinga na ako," sabi ng 21-anyos na tubong Catanduanes sa kanyang inilangoy.

Ang nasabing five-day swimfest ang gagamitin ng Philippine Amateur Swimming Association (PASA) para sa komposisyon ng national squad na isasabak sa 2005 SEA Games.

Sa iba pang resulta, nagrehistro si 2000 Sydney Olympian Timmy Chua ng 1:05.81 sa men’s 100m breaststroke, nagtala si Marichi Gandionco ng 4:33.69 sa women’s 400m freestyle, nagposte si Ken Uy ng 53.91 sa men’s 100m freestyle at nagtirik si Benjie Uy ng 2:15.39 sa men’s 200m Individual Medley.

Samantala, darating naman sa bansa sa Oktubre 20 sina Chinese mentors Wu Yan Yan at Zheng Shang Yi upang tumulong sa mga Filipino swimmers. (Russell Cadayona)

AFTER THE SYDNEY OLYMPICS

BANK OF COMMERCE NATIONAL OPEN SWIMMING CHAMPIONSHIPS

BENJIE UY

DENJYLIE CORDERO

EDZEN DINGLASAN

GUERRERO

INDIVIDUAL MEDLEY

JENNY GUERRERO

KEN UY

MARICHI GANDIONCO

PERO I

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with