^

PSN Palaro

Bobby Pacquiao may kasunod agad na laban

-
Sinabi ni Los Angeles boxing man Michael Koncz na may kasunod na laban agad si Bobby Pacquiao sa darating na Dec. 10 bilang bahagi ng two-fight deal na kanyang inayos sa Top Ranked promoter na si Bob Arum para sa nakakabatang kapatid ni Filipino ring idol Manny Pacquiao.

Ang nasabing laban ay huling bahagi ng naayos na deal ni Koncz kay Arum kung saan kasama rito ang kanyang panalo laban kay Carlos ‘Famoso’ Hernandez noong nakaraang Linggo.

At dahil sa naging kontrobersiyal ang panalo ni Bobby, posibleng humirit ng rematch ang kampo ni Hernandez at ito ang kanilang tatalakayin sa darating na Lunes.

Matatandaan na naging kontrobersiyal ang split decision na panalo ni Bobby sa featherweight kontra sa dating International Boxing Federation champion.

May lumabas na ulat na ninakawan umano si Hernandez ng panalo ng kanyang mapag-alaman na sinabi ng judge na si Duane Ford na umiskor ng pabor kay Pacquiao na ito ay isa lamang biro.

BOB ARUM

BOBBY PACQUIAO

DUANE FORD

FAMOSO

HERNANDEZ

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

LOS ANGELES

MICHAEL KONCZ

TOP RANKED

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with