^

PSN Palaro

Parangal at motorcade para kina Pacquiao, Viloria at Bautista

-
Pangungunahan ni Manila Mayor Lito Atienza ang motorcade bukas para sa tatlong Filipino boxing champions na sina Manny Pacquiao, Brian Viloria at Rey ‘Boom Boom’ Bautista na umiskor ng malalaking tagumpay sa Los Angeles, California kamakailan.

Ang motorcade na inorganisa ni Manila Sports Council (MASCO) chairman Arnold ‘Ali’ Atienza ay magsisimula sa Manila City Hall quadrangle sa alas-9:00 ng umaga hanggang alas-11:00 sa Malacañang Palace kung saan magbibigay ng courtesy call ang tatlong boxers kay President Gloria Macapagal Arroyo.

Paparangalan din ang tatlo sa VIP dinner na tinaguriang ‘Tagumpay’ Tribute to the Champions sa Crowne Plaza Ballroom sa Ortigas sa alas-7:00 ng gabi kung saan si Pangulong Arroyo din ang magbi-bigay ng inspirational message at siyang magga-gawad ng parangal kina Pacquiao, Viloria at Bautista habang si Manila Mayor Lito Atienza ang magbibigay ng opening remarks at tribute sa local sports icon na si Pacquiao.

Pinatulog ni Pacquiao si Mexican Hector Velazquez sa anim na rounds noong Sept. 11 sa Double Trouble sa Los Angeles na sinundan ng knockout wins ng 19-anyos na si Bautista laban kay Felix Flores at Viloria laban kay Eric Ortiz para sa WBC light flyweight title.

Si Pacquiao na tubong General Santos City, ay adopted son ng Manila; si Bautista ay mula sa Bohol habang si Viloria ay isang Ilocano na lumaki sa Hawaii.

BAUTISTA

BOOM BOOM

BRIAN VILORIA

CROWNE PLAZA BALLROOM

DOUBLE TROUBLE

ERIC ORTIZ

LOS ANGELES

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

PACQUIAO

VILORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with